Home > Gallery > CSWDO NECESSITY PACKS FOR SENIOR & PWDS

CSWDO NECESSITY PACKS FOR SENIOR & PWDS

August 15, 2022

Patuloy parin ang pagpapamahagi ng food packs para sa mga senior citizens at PWDs mula sa Brgy. Bonifacio, Isla, Supermarket, Rizdelis, Bernardo, Fatima, Melojavilla, Sanbermicristi, Dimasalang, General Luna, Matadero, Nabao, Padre Burgos, Aduas Centro, Sangitan East, at Sangitan West nitong July 25-29, 2022.

Ito ay bilang pagpapatuloy sa programa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, na maiparamdam lalo ang pagmamahal at respeto sa mga senior citizens at PWDs sa ating lungsod. Ito ay naging posible sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office.

Ang lahat po ng senior citizens at PWDs mula sa 89 barangays sa Lungsod ng Cabanatuan ay mabibigyan ng food packs. Pakihintay lamang po ang schedule sa inyong barangay.