Fogging Operations Kontra Dengue
Sa pangunguna ng City Health Office, muling nagsagawa ng Fogging Operations mula March 8-12, 2021 sa mga barangay ng: Mayapyap norte, barlis, Sapang, Caalibangbangan, Samon, caudillo at pamaldan. Read More
Libreng Anti-Rabies handog ng City Veterinary Office
Nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang City Veterinary Office noong March 18, 2021 sa barangay San Roque Norte. Patuloy naman ang pagbibigay ng libreng anti-rabies vaccine sa mga aso, pusa at iba pang hayop sa tanggapan ng City Veterinary sa City Hall Compound. Read More
Flag Raising Ceremony March 15, 2021
Nitong Lunes, March 15, 2021, nagsagawa ng Flag Raising ceremony ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan na pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara kasama ang mga kawani ng MV Gallego Cabanatuan City General Hospital. Patuloy pa ring paalala ni Mayor Myca sa lahat na sumunod sa minimum public health standards at laging mag-ingat kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating lungsod. Read More
Vaccination Center ng LGU Cabanatuan, inihahanda na.
Ang main site ng Vaccination Center na inihahanda ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, ay matatagpuan sa tapat ng City Hall Compound. Habang hinihintay na matapos itong gawin, kasalukuyan nang iginagayak ang satellite vaccination center sa loob ng CRDDMO Covered Court sa loob ng City Hall Compound, kung saan isasagawa ang simulation vaccination. Maliban sa COVID-19 vaccine, maaari ring isagawa sa mga nasabing vaccination sites ang mga proyekto ng DOH na pagbabakuna sa iba pang sakit tulad ng polio, tigdas at iba pa. Read More
17th Annual General Assembly ng Makabagong Magsasaka Primary Multi-Purpose Cooperative, Dinaluhan ni Mayor Myca Elizabeth Vergara
Collapsed Structure Search and Rescue Seminar para sa Bayan ng Bongabon, General Natividad, Licab, Zaragoza at Palayan City, Isinagawa
Sa direktiba ni CDRRMC Chair Myca Elizabeth R. Vergara, sinimulan na muli ang pagsasanay tungkol sa Collapsed Structure Search and Rescue na kinabibilangan ng mga Bayan ng Bongabon, General Natividad, Licab, Zaragoza at Palayan City. Sa pakiki-isa ng Association of Disaster Resilience Officers of Nueva Ecija (ADRONE), ang mga kawani ng DRRMO ng mga nasabing bayan ay sasanayin sa Familiarization on Tools, Equipment and Accessories for CSSR, Operational Safety, Rescue Strategies and Techniques, Breaching, Shoring Techniques and Pre-Hospital Care and Incident Command System. Mahigpit pa rin na ipinatupad ang minimum health standards sa CSSR Training na ito. Read More
MOA Signing at Turn-over ng mga Farm Machineries para sa mga Benepisyaryo
- Opisyal na isinagawa ang MOA signing at turn-over ng tatlong unit ng 4-wheel tractor para sa tatlong benepisyaryo na SAHOD ULAN FARMES ASSOCIATION, CAALIBANGBANGAN FARMERS ASSOCIATION AT UNITED FARMERS AGRI. COOPERATIVES. Ang paghahatid ng mga makinarya ay pinangunahan ng kinatawan ng Philmech at Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Provincial Focal Person na si Engr. Roland F. Ruiz. Ito ay dinaluhan nina Mayor Myca Elizabeth Vergara at City Agriculture Office Department Head Engr. Lenidia Reyes. Read More
Pagpapasinaya ng Bagong Barangay Hall ng Brgy. Caridad
- Dumalo si Mayor Myca Elizabeth Vergara sa pagpapasinaya ng bagong Barangay Hall sa Brgy. Caridad. Ang pagpapatayo ng gusaling ito ay naging posible sa pagtutulungan ng DPWH, Cong. Ria Vergara, Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan at pamunuan ng Brgy. Caridad. Read More
Jesus V. Del Rosario Foundation at KServico, Nagbigay bilang Donasyon ng Limang Unit ng Baja RE
- Napili ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan bilang beneficiary ng limang unit ng Bajaj RE na donasyon ng Jesus V. Del Rosario Foundation at KServico. Ang mga nasabing unit ng behikulo ay ibinigay upang magamit ng mga frontliners sa paghahatid-serbisyo sa mga mamamayan. Ito ay isa sa mga paraan ng KServico upang tumupad sa kanilang corporate social responsibility, lalo na sa panahon ng pandemya na ating nararanasan sa kasalukuyan. Ang pormal na awarding ceremony ay ginanap noong Pebrero 23, 2021 sa Cabanatuan City hall. Read More
Libreng Anti-Rabies Vaccination handog ng City Veterinary Office
- Ang rabies ay viral infection at isang animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal, kagaya ng aso at pusa. Kaya naman mahalaga na magkaroon ng anti-rabies vaccine ang ating mga alagang hayop. Kaugnay nito, nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang City Veterinary Office sa iba't ibang barangay sa ating lungsod. Read More
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|