LGU Cabanatuan Binisita ng DOH Secretary at Iba pang National Agencies!
48th Regular Weekly Session
47th Regular Weekly Session
School Supplies alay ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Estudyante!
Bahagi ng programa ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang mabigyan ng school supplies ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Senior High School na opisyal na naka-enroll sa mga pampublikong paaralan dito sa lungsod. Nang nagsimula ang academic year, napagkalooban na ng school supply sets ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6 na nasa ilalim ng sampung distrito ng DepEd Cabanatuan. Ang isang set ng school supplies ay naglalaman ng notebooks, crayons, glue, sharpener, eraser, ballpen, pencil, writing pads, at plastic envelope. Susunod naman mapagkakalooban ang mga Grade 7 hanggang Senior High School sa mga susunod na linggo.Ito ay naging posible sa pakikipagtulungan sa Department of Education Cabanatuan City sa pamumuno ni Schools Division Superintendent, Teresa D. Mababa. Alay sa taga cabanatuan, mula sa buwis ng mamamayan. Read More
Booster Shots para sa ating mga Mahal na Senior Citizens
Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang pagbibigay ng booster shot ng COVID-19 vaccine na SINOVAC para sa mga senior citizens at iba pang priority groups sa lungsod. Ito ay ibinibigay para sa mga fully vaccinated na mamamayan simula nang mag-umpisa ang pagbabakuna hanggang noong June 2021. Ang pagbibigay ng booster shot ay isinagawa sa SM City Cabanatuan at SM Megacenter simula noong December 7, 2021. Read More
Tuloy-tuloy na Pagbabakuna Laban sa Covid-19, Ginanap sa mga Barangay!
Patuloy ang pagbibigay ng COVID-19 Vaccine sa mga mamamayan ng iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan nitong December 6-10, 2021. Ito ay sa pamamagitan ng Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination Program. Layunin ng programang ito na mailapit sa mga mamamayan, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang pagbisita sa mga barangay kung saan nagsasagawa ng pagbabakuna. Read More
Newborn Packages para sa mga Taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang mga anak.
Patuloy ang pamimigay ng Newborn Packages para sa mga magulang na nagparehistro ng kanilang bagong silang na anak sa Office of the Local Civil Registrar. Ito ay sa inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at ng Pamahaaang Lungsod upang magkaroon ng magandang panimula ang mga bagong magulang na residente ng Lungsod ng Cabanatuan. Read More
Safety Seal Inspection Isinagawa sa SM City Cabanatuan!
Sa pangunguna ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Business Licensing and Promotion Office, City Health Office, City Information Office, Public Employment Services Office, City Engineering Office, City Motorpool Office, at Cabanatuan PNP, nagsagawa ng safety seal inspection sa iba't ibang establisyimento sa Lungsod ng Cabanatuan nitong December 7, 2021. Ang Safety Seal Certification ay ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod sa mga establisyimentong napatunayang sumusunod sa minimum public health standards upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Read More
Social Pension Payout para sa mga frail at bedridden, ipinamahagi
18 Days Campaign to End Violence Against Women, Idiniriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|