DOLE TUPAD ORIENTATION
Sa pamamagitan ng Public Employment Service
Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD ORIENTATION nitong
August 09, 2022, para sa pang-apat (4) na batch na dinaluhan ng 193 na
benepisyaryo na mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan.
Ang nasabing programa ay naging posible sa
pagtutulungan nina Senator Joel Villanueva, Congresswoman Rosanna
"Ria" Vergara, at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara.
Sa programang ito, binibigyan ng emergency
employment sa loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan ng
pandemya at mga nawalan ng trabaho or hanap-buhay na may kaukulang sweldo na
P450 kada araw.
Source: Public Employment Service Office -
Cabanatuan City
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|