Sa pamamagitan ng Rice
Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng Department of Agriculture, at sa
pakikipagtulungan sa Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) at
Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara, nabigyan ng tulong ang mga magsasaka
sa Lungsod ng Cabanatuan at iba pang munisipalidad at lungsod sa ikatlong
distrito ng Nueva Ecija. Tatlumpu't apat na unit ng agricultural farm
machineries ang handog para sa farmer associations. Ang mga ito ay ibinigay
noong Pebrero 10, 2021 sa pamamagitan ng isang Ceremonial Turnover na dinaluhan
ni Cong. Ria Vergara. Ayon sa kanya, patuloy ang pagpapalawig ng DA sa mga
magsasaka ng palay sa tulong ng RCEF. Ipinakiusap rin niya sa mga magsasaka na
pangalagaan ang mga makinaryang ito nang sa gayon ay mas marami pa ang
makinabang rito. Dumalo sa nasabing pagtitipon sina Philmech Division Chief
Engr. Don David Julian, Cabanatuan City Livelihood and Cooperative Development
Officer Lucille Batalla, CG-Consultant Gregoria Esguerra, iba pang kawani ng CLCDO
at mga City and Municipal Agriculturist ng Ikatlong Distrito ng N.E.