Mas pinaigting
ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang pagtupad sa mga programa at aktibidad
na tugon sa kinakaharap nating pandemya,dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng
COVID-19 sa ating lungsod. Kaugnay nito, ginanap ang lingguhang pulong ng lokal
na Inter-Agency Task Force (IATF) noong May 3, 2021. Ito ay isinagawa sa isang
open area sa Unified Command Center sa Cabanatuan City Hall Compound. Tinalakay
dito ang lingguhang Accomplishment Reports ng walong City Health Centers sa
iba’t ibang bahagi ng Lungsod. Sa pangunguna nina Dr. Homer Lim at Dr. Benigno
Agbayani, binigyang-diin sa nasabing pagpupulong ang mga hakbang para sa paunang
paggamot o early treatment ng mga pasyenteng may COVID-19.