SOCIAL PENSION PAYOUT
TINGNAN: Ang DSWD Regional Office 3, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Cabanatuan City sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth Vergara, ay nagsagawa ng Social Pension payout noong ika-23 ng Hunyo, 2022 sa Barangay Aduas Norte Covered Court at OSCA Covered Court Kapitan Pepe, Cabanatuan City.
Ang programa ay nakapagtala ng 1,146
indigent senior citizens na nakatanggap ng pinansyal na tulong mula sa
pamahalaang nasyonal na may kabuuang halaga na Php 1,500.00 para sa buwan ng
Abril hanggang Hunyo 2022.
Layunin ng programang ito na maibsan ang
hirap ng mga kwalipikadong senior citizens at makatulong sa kanilang
pangangailangang medikal.
- Cabanatuan City Social Welfare and Development Office
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|