Ang
DSWD Regional Office 3 katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan City sa
pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth Vergara ay nagsagawa ng Social Pension
payout noong December 7 at 8, 2021 sa Cabanatuan City Covered Court. Nagsagawa
din ng door-to-door payout ang mga kawani ng CSWDO at DSWD Region para sa mga
benepisyaryong frail at bedridden. Ang programa ay nakapagtala ng 1,108
indigent senior citizens na nakatanggap ng 3,000 pesos mula sa national
government para sa ikalawang semestre. Layunin ng programang ito na maibsan ang
hirap ng mga kwalipikadong senior citizens at makatulong sa kanilang
pangangailangang medikal.