CSWDO FOOD PACKS CISS
Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa
pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at sa pamamagitan ng City Social
Welfare and Development Office ay nagsagawa ng pamimigay ng food packs para sa
200 Children in Street Situations (CISS).
Ang pamamahagi ng food packs ay dinaluhan
ni Ms. Helen S. Bagasao, CSWD Officer; Ms. Vanessa Anne R. Cucio, CYDD Division
Head at iba pang kawani ng CSWDO. Ito ay isinagawa noong ika-8 ng Hulyo, 2022
sa Temporary Public Market, Kapitan Pepe Cabanatuan City.
Layunin ng programang ito na matulungan ang
mga Children in Street Situations (CISS) sa kanilang pangunahing
pangangailangan sa panahon ng pandemya. Gayundin upang mabigyan ng wastong
nutrisyon at magabayan ang mga magulang sa tamang nutrisyon para sa kanilang
mga anak.
Source: Cabanatuan City Social Welfare and
Development Office
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|