Ang Pamahalaang Lungsod
ng Cabanatuan ay nagsasagawa ng fogging operations upang maiwasan ang
paglaganap ng mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue. Sinimulan ito
noong February 1 at nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan. Inunang
puntahan ang mga barangay na nasa gitna o sentro ng lungsod, at sa mga susunod
na mga linggo ay mapupuntahan rin ang mga malayo sa sentro. Ang mga barangay na
pinuntahan sa linggong ito ay Daan Sarile, Magsaysay Sur, Bantug Bulalo, Bantug
Norte, Aduas Norte, Bitas, Aduas Centro, Aduas Sur, Pagas at Valdefuente.