Home > News > DENGUE MEETING

DENGUE MEETING

August 16, 2022

Sa mabilis na pagtaas ng kaso ng dengue sa Lungsod ng Cabanatuan, agad na nagpatawag ng pulong ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, sa tulong ng City Health Office upang ilahad ang mga datos ng dengue cases.

Ibinahagi rin ng CHO and mahahalagang kaalaman tungkol sa sakit, ang sanhi ng pagtaas ng kaso at mga sintomas ng dengue.

Ipinaliwanag rin ang mga hakbang na ginagawa upang masugpo ang sakit na ito. Kasama rin na inilahad and panuntunan sa pagsasagawa ng fogging operations.

Ginanap ang pagpupulong umaga ng Agosto 2, 2022 kasama ang kinatawan ng DOH at mga ahensya ng lokal na pamahalaan, at barangay officials ng 89 na barangay.

Kasabay ng ginanap na pulong ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan nitong Agosto 2, 2022, nagpahayag ng pakiki-isa at suporta sa kampanya laban sa dengue ang mga dumalo. Ito ay sa pamamagitan ng kanilang paglagda sa Commitment on Strengthening Fight Against Dengue through Organized Barangay Dengue Task Force and Community Participation.