DENGUE MEETING
Sa mabilis na pagtaas ng kaso ng dengue sa
Lungsod ng Cabanatuan, agad na nagpatawag ng pulong ang Pamahalaang Lungsod ng
Cabanatuan, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, sa tulong ng City
Health Office upang ilahad ang mga datos ng dengue cases.
Ibinahagi rin ng CHO and mahahalagang
kaalaman tungkol sa sakit, ang sanhi ng pagtaas ng kaso at mga sintomas ng
dengue.
Ipinaliwanag rin ang mga hakbang na
ginagawa upang masugpo ang sakit na ito. Kasama rin na inilahad and panuntunan
sa pagsasagawa ng fogging operations.
Ginanap ang pagpupulong umaga ng Agosto 2,
2022 kasama ang kinatawan ng DOH at mga ahensya ng lokal na pamahalaan, at
barangay officials ng 89 na barangay.
Kasabay ng ginanap na pulong ng Pamahalaang
Lungsod ng Cabanatuan nitong Agosto 2, 2022, nagpahayag ng pakiki-isa at
suporta sa kampanya laban sa dengue ang mga dumalo. Ito ay sa pamamagitan ng
kanilang paglagda sa Commitment on Strengthening Fight Against Dengue through Organized
Barangay Dengue Task Force and Community Participation.
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|