Patuloy ang pagbibigay ng COVID-19 Vaccine
sa mga mamamayan ng iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan nitong
November 29-December 3, 2021, kasabay na rin ng pagdiriwang ng National
COVID-19 Vaccination Days. Ito ay sa pamamagitan ng Cabanatuan City COVID-19
Mobile Vaccination Program. Layunin ng programang ito na mailapit sa mga
mamamayan, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna
laban sa COVID-19. Pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang
pagbisita sa mga barangay kung saan nagsasagawa ng pagbabakuna.