Sinimulan nitong
2021 ng Pamahalaang Lungsod ang pagbibigay ng LIBRENG ANTIGEN TESTING para sa
mga taga-Cabanatuan, lalo na sa mga mayroong sintomas ng COVID-19. Nagpupunta
sa iba't ibang barangay ang mga kawani ng City Health Office at City Disaster
Risk Reduction and Management Office, sa pakikipagtulungan sa mga City Health
Centers sa Lungsod, para sa pagsasagawa ng antigen testing. Kaugnay nito,
sumailalim sa libreng rapid antigen testing ang mga barangay workers at barangay
tanod ng iba't ibang barangay simula noong April 20, 2021. Ito ay upang
masigurado ang kanilang kalusugan habang ginagampanan ang kanilang mga
tungkulin bilang mga lingkod-bayan. Nagsagawa rin ng Antigen Testing ang CDRRMO
sa mga empleyado ng Regional Trial Court sa Cabanatuan City Hall of Justice
nitong April 19, 2021. Humiling ang Regional Trial Court kay Mayor Myca
Elizabeth R. Vergara na maipa-antigen test ang kanilang mga kawani dahil sa
ilang empleyado nito na nagpositibo sa COVID-19. Sumailalim din sa Antigen
testing ang mga kawani ng PNP Cabanatuan upang masigurado na sila ay
nananatiling ligtas at malusog para patuloy na makapagpatupad ng mga
alituntunin ng lungsod para sa mga mamamayan ng Cabanatuan.