Ilang magsasaka mula sa iba't-ibang
barangay sa Lungsod ng Cabanatuan ang makakatanggap ng financial assistance mula
sa Rice Competitive Enhancement Fund - Rice Farmer Financial Assistance Program
ng Department of Agriculture. Patuloy ang pagtulong ng mga kawani ng City
Agriculture Office sa mga magsasaka upang sila ay mabigyan ng Interventions
Monitoring Card (IMC) na magsisilbing identification (ID) at cash card kung
saan matatanggap ng eligible beneficiaries ang cash assistance. Ang mga
magsasaka na nagsasaka ng dalawang (2) ektarya pababa at rehistrado sa Registry
System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang mga benepisyaryo ng
programang ito. Para sa iba pang mga katanungan ukol sa programang ito,
maaaring makipagugnayan sa tanggapan ng City Agriculture Office 0919 089 9925.