Nitong April 19,
2021, muling nagkaroon ng pagpupulong ang lokal na Inter Agency Task Force ng
Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara. Kabilang
din sa nasabing pulong ang mga kinatawan ng walong City Health Centers sa
Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay mula sa mga barangay ng Mayapyap Sur, San Josef
Norte, Bangad, Mabini Homesite, Quezon District, Caalibangbangan, H.
Concepcion, Camp Tinio. Tinalakay dito ang lumalaking bilang ng kaso ng
COVID-19 sa ating lungsod. Dahil dito, patuloy pa rin ang isinasagawang antigen
at RT-PCR testing. Gayundin, muling pinaalalahanan ang mga barangay officials
na sumunod sa guidelines na inilatag ng Department of Health, lalo na kung
mayroong COVID-19 patients sa kanilang barangay. Pinaigting rin ang paghahanda
ng Local IATF sa posibleng pag-angat ng kaso sa dalawa o tatlong libo. Nasabi
rin sa naturang pagpupulong na nakagayak ang Pamahalaang Lungsod sa pagbili ng
mga gamot na ipamimigay para sa mga pasyenteng may mild/moderate cases ng
COVID-19.