Bilang bahagi ng MyCabanatuan Advocacy:
"A Cleaner and Greener City" at “Balik Kalinga sa Kalikasan at
Kalinisan Program, sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, sa
inisyatibo ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, ang Barangay Caravan ng Clean!
Clean! Clean! Project. Simula noong March 7, 2022, umikot sa iba't ibang
barangay ang Cabanatuan City Environment and Natural Resources Office (CCENRO)
para ipabatid ang hudyat ng pagsisimulang muli ng nasabing proyekto. Layunin ng
programang ito na mapanatiling malinis ang ating mga barangay at hikayatin ang
bawat isa na makilahok.