Gusto mo bang maging isang Contact tracer?
October 13, 2020
ALAMIN: Gusto mo bang mag-apply bilang Contact Tracer?
Tuloy pa rin ang pagtanggap ng aplikasyon para mapunan lahat ang kinakailangang 50,000 contact tracers sa buong bansa.
Saan magpapasa ng application?
Sa pinakamalapit na DILG provincial o city field office sa inyong lugar. Bisitahin ang official websites o social media accounts ng DILG regional at field offices para sa partikular na impormasyon sa pagpapasa ng application. http://bit.ly/DILGRegions
Ano-ano ang kailangang ipasa ng aplikante?
• Application letter
• Personal Data Sheet (PDS)
• NBI clearance
• Diploma o transcript of record (TOR)
• Drug test result
Ano ang qualifications na dapat mayroon ang isang aplikante?
• Nakapagtapos o nasa kolehiyo sa isang allied medical o criminology course. Maaari rin naman ang mga nakapagtapos o kumukuha ng ibang kurso.
• Bihasa sa data gathering, research, at documentation
• Marunong makipanayam sa mga may sakit at nakasalamuha nila upang mangalap ng datos
• May abilidad na magsulong ng public health education messages
• Marunong magsiyasat (investigative capability)
Ano-ano ang mga responsibilidad ng contact tracers?
Kabilang sa kanilang mga responsibilidad ay pakikipanayam, profiling, at pagsagawa ng initial public health risk assessment ng mga kaso ng COVID-19 at ang mga nakasalamuha ng mga ito; pagdadala sa mga close contact sa mga isolation facilities; pagsasagawa ng enhanced contact tracing katulong ng ibang ahensiya at pribadong sector; pagsasagawa ng arawang monitoring ng mga close at general contacts sa loob ng 14 araw o higit pa; at iba pang gawaing may kinalaman sa COVID-19 response.
Ayon sa mga patakaran ng DILG, babayaran ang mga contact tracer ng P18,784 o mas mataas pa kada buwan sa ilalim ng contract of service.
BASAHIN: DILG adopts continuous hiring in filling up the 50,000 slots for Contact Tracers https://dilg.gov.ph/.../DILG-adopts.../NC-2020-1328
Maraming salamat po.
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|