Ang Kasaysayan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan
Ating makikita sa larawan ang isang modernong gusali ng Pamahalaang lungsod ng Cabanatuan, kung ihahalintulad sa noo’y isang kubong pawid na bahay pamahalaan ng ating mga ninuno. Ang gusaling ito ang siyang naging tahanan ng bawat pinuno na nanilbihan sa ating lungsod, ito rin ang gusaling lalong nagbigay kulay sa noo’y buhay pulitika ng yumaong alkalde na si Honorato C. Perez Sr.Noong ika-4 ng Hunyo, taong 1980, isang di-makalilimutang pangyayari sa kasaysayan ng Cabanatuan ang naganap. Ang lumang City Hall ng Cabanatuan ay sinunog at dito ay naganap rin ang makasaysayang pagtalon ng noo’y Punong Lungsod Honorato C. Perez, mula sa ikalawang palapag ng nasabing gusali upang maka-ligtas sa mga nangangalit na apoy.
Malaking dagok hindi lamang sa ama ng Lungsod ng Cabanatuan na si Mayor Perez ang nangyaring pagkasunog sa City Hall, maging ang buong mamamayan ng lungsod ay nagluksa at nangambang hindi na makakabangon muli ang Cabanatuan lalo pa’t ang ugat ng mga kaganapang yaon ay “PULITIKA”. Subali’t ang lahat ng ito ay hindi naging hadlang upang muling makapag simula ang Lungsod sa pag-usad at patuloy na pinatunayan ang katatagan nito lalo pa sa mga sumunod sa taon.
Noong ika-14 ng Hulyo, taong 1982, naganap ang groundbreaking ng bagong City Hall Building na dinaluhan ni Don Manuel de Leon, ang may-ari ng Kapt. Pepe, Assemblyman Concepcion at ng yumaong Mayor Perez. Ang pormal na inagurasyon ay ginanap noong ika-3 ng Pebrero, taong 1984, alinsabay sa pagdiriwang ng Araw ng Cabanatuan.
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|