Home > News > Cabanatuan Molecular Diagnostics Laboratory

Cabanatuan Molecular Diagnostics Laboratory

January 18, 2021

Kasalukuyan nang ipinagagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang kauna-unahang RT-PCR Laboratory sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.



Ito ay matatagpuan sa compound ng MV Gallego Cabanatuan City General Hospital, Maharlika Highway, Cabanatuan City.


Sinimulan ang pagtatayo ng nasabing gusali noong Disyembre 2020 at matatapos ang konstruksyon sa loob ng tatlong buwan. Hihintayin lamang ang approval ng Department of Health bago ito mag-operate.

Ang Roche Philippines, isa sa mga nangungunang kompanya sa larangan ng research-focused healthcare, ang magsu-supply ng mga kagamitan para sa laboratoryo.


Bukod sa pagiging COVID-19 testing laboratory, mayroon ring iba pang kakayahan o serbisyo ang pasilidad na ito tulad ng Human identification - paternity testing, Infectious disease identification maliban sa COVID-19 tulad ng TB, HIV, at iba pa, Food pathogen detection, Water borne pathogen detection, Pharmaceutical analysis, Stem cell research, Pharmacogenomics, Oncology and genetic research, at Plant science and agricultural biotechnology.