Home > News > BARANGAY DRRM PLANNING

BARANGAY DRRM PLANNING

July 13, 2022

July 6 – 8, 2022 – Nagsimula na muli ang pagsasanay sa iba’t-ibang miyembro ng lipunan kabilang ang mga barangay workers at officials.

Bilang parte ng National Disaster Resilience Month, ang Cabanatuan CDRRMO alinsunod sa direktiba ni CDRRMC Chair Myca Elizabeth R. Vergara, ay nagsasagawa ng iba’t-ibang gawain upang mapalawig ang kaalaman at kahandaan pagdating sa anumang disaster. Isa sa mga nasabing gawain ay ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Plan Formulation Training.

Para sa unang lingo, 15 barangay na ang sumailalim sa nasabing pagsasanay. Ito ay ang mga barangay ng Caudillo, Daan Sarile, Dalampang, H. Concepcion, Ibabao-bana, Mayapyap Norte, Palagay, Pamaldan, Polilio, Pula, Samon, San Roque Sur, Santo Niño and Sapang.

Layunin ng gawaing ito na muling maturuan ang mga miyembro ng Barangay DRRM Committee sa tamang pag-plaplano at pagamit ng Disaster Fund.

Source: DRRMO Cabanatuan City