Bilang bahagi ng MyCabanatuan Advocacy:
"A Cleaner and Greener City" at “Balik Kalinga sa Kalikasan at
Kalinisan Program, patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, sa
pagsasagawa ng Barangay Caravan ng Clean! Clean! Clean! Project. Nitong
linggong ito, umikot sa iba't ibang barangay ang Cabanatuan City Environment
and Natural Resources Office (CCENRO) para ipabatid ang hudyat ng pagsisimulang
muli ng nasabing proyekto. Layunin ng programang ito na mapanatiling malinis
ang ating mga barangay at hikayatin ang bawat isa na makilahok.