Patuloy
ang pagbibigay ng COVID-19 Vaccine para sa mga mamamayan ng iba't ibang
vaccination sites sa Lungsod ng Cabanatuan nitong January 3-7, 2022. Ito ay sa
pamamagitan ng Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination Program. Layunin ng
programang ito na mailapit sa mga mamamayan, lalo na para sa mga malayo sa
sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Pinangunahan ni Mayor
Myca Elizabeth R. Vergara ang pagbisita sa mga vaccination sites kung saan
nagsasagawa ng pagbabakuna. Nagsasagawa rin ng mobile vaccination sa iba't
ibang business establishments sa Lungsod ng Cabanatuan.