Naki-isa naman si Mayor
Myca Elizabeth R. Vergara sa signature campaign na pinangunahan ng Relief
International bilang pagsuporta sa Measles-Rubella / Oral Polio Vaccine
Supplemental Immunization Activity 2021 sa kabuuan ng buwan ng Pebrero.
Samantala, opisyal nang napirmahan ang Memorandum of Understanding sa pagitan
ng Pamahalaang Lungsod at Relief International para makatanggap ng insentibo
ang Community Volunteer Health Workers sa kanilang partisipasyon sa pagbabakuna
kontra polio at tigdas sa mga bata sa Lungsod ng Cabanatuan.