Home > News > Continuation of Road clearing

Continuation of Road clearing

December 21, 2020

 

FREQUENTLY ASKED QUESTION ON ROAD CLEARING OPERATION

 

1.     Ano road clearing?

 

Ito ay direktiba ng National Governement sa mga local na pamahalaan upang i-reclaim o bawiin ang mga pampublikong kalsada o mga bahagi nito na ginagamit para sa pansarili o pribadong kapakinabangan (ginawang paradahan, sinakop ng bakuran, tinayuan ng mga konkretong imprastraktura, at iba pa). Layunin nitong siguraduhin na maiaalis ang mga obstruction o sagbal sa mga pampublikong kalsada, maging ito ay mga permanente o temporary na imprastraktura.

 

2.     Ano ang gagawin sa mga poste ng kuryente na nasa bahagi ng kalsada?

 

Ayong sa DILIG MC 2020-027 (Continued Implementation of the Presidential Directive to Clear Roads on Illegal Obstruction (ROAD CLEARING 2.0), kinakailangang magkaroon ng koordinasyon sa pagitan ng utility company at ng local na pamahalaan upang alisin o ilipat ang mga obstructing structure o facility. Subalit hindi dapat ito mag-sanhi ng paghinto ng pagbibigay serbisyo ng mga naturang utility at iba pang pangunahing serbisyo.

 

3.     Ano ang gagawin sa mga concrete fence, waiting sheds, at iba pa?

 

Kailangang alisin ang kahit na anong uri o klase ng obstruction kung ito ay nakatirik sa bahagi ng pampublikong kalsada.

 

4.     Kasama ba sa i-cle-clear ang mga pribadong subdivision?

 

Tanging mga kalsadang pagmamay-ari lamang ng gobyerno ang nasa direktiba na kailangang i-clear. Ang mga pribadong subdivision ay hindi pagmamay-ari ng gobyerno kung kayat hindi ito maaaring pakialaman o galawin ng gobyerno, kMALIBAN kung ang kalsada sa naturing subdivision ay dinonate at pormal na nai-turn over sa gobyerno, kung gayon, ito ay pag-aari nan g gobyerno at magiging sakop na ng road clearing.

 

5.     Susundin ba ng standard na sukat ng barangay road, city/municipal road, provincial road na sinasabi ng DPWH?

 

Hindi. Bagama’t mayroong standard na sukat ng mga kalsada na tinutukoy ang DPWH, ay hindi ito ang magiging batayan sa pagsasagawa ng raod clearing operations.Tanging ang kasalukuyang sukat o existing road lamang ang maaaring I-clear ng mga local na pamahalaan. Matatagpuan ang mga ixisting na sukat ng mga kalsada sa Local Network Map ng bawat local na pamahalaan.

 

6.      Paano kung ang bakuran ng isang bahay ay sumakop na sa bahagi ng kalsada.

 

Kung ang ktinutukoy na bakuran na sumakop sa bahagi ng kalsada ay mapapatunayan na hindi bahagi ng kanilang private property, dapat itong bawiin ng gobyerno sa pagpapatupad ng road clearing operations.

 

  

 

7.       Bawal ba ang pagbibilad ng palay sa kalsada?

 

Bawal ang pagbibilad ng palay o ng kahit anong crops sa mga kalsada. Ito ay itinuturing na road obstructions ayon sa DILG MC 2020-027.

 

8.      Paano ang mga tambak buhangin  o materyales sa pagpapagawa ng bahay o building na nasa kalsada, kasama bas a aalisin?

 

Kasama ang mga ito sa dapat alisin  ayon sa DILG MC 2020-027. Nakakasagabal ang mga ito sa daloy nga trapiko sa mga pampublikong kalsada.

 

9.      Kasama ba ang mga eskinita  sa barangay?

 

Kasama ang mga eskinita sa barangay sa dapat i-clear kung ang mga eskinitang ito ay pag-mamay-ari ng gobyerno at ng hindi ng mga pribadong tao  na nag pahiram lamang ng bahagi ng kanilang mga pribadong lupa upang magbigay daan.

          

10.   Ang mga signage sa labas ng mga schools at simbahan na ‘’slow down’’ ay ipatatangal din ba?

 

Ang mga ganitong singages ay pinahihintulutan naman sa mga oras na kailangan subalit kailangan alisin ito kung hindi kinakailangan. Halimbawa sa mga paaralan , sa oras ng pasukan o uwian ng mga mag-aaral ay maaring ilagay ang mga singages na ito bilang babala sa mga motorosista, subalit dapat itong itabi  o ialis sa kalsada kung on-going na ang klase at wala ng mga mag-aaral sa labas ng paaralan.

 

 

11.  Paano ang mga establishiment naka-overhang ang mga signages pero mataas naman?

 

 

Kailangan pa  rin itong alisin  kung ito ay nakatirik sa tapat ng pampublikong kalsada. Gayundin ang mga bubong ng tindahan sa gilid ng kalsada, kung ito ay sumasakop na sa tapat ng kalsada ay kailangan din alisin.

 

12.  Pwede bang manghuli ang mga barangay tanod sa mga nag-illegal parking? A no ang penalty na maaring ipataw sa mahuhuli?

 

 

Ang mga local na pamahalaan ay hinihimok sa pamamagitan ng DILG MC 2020-027 na magkaroon ng local na mga ordinansa patungkol sa pagpaqpatupad ng road clearing operations. Ito ang magtatalaga ng awtoridad ng local na pamahalaan at ng maaring penalty na ipapataw sa mgas mahuhuli.

       

13.  Maaring bang ang may-ari ng pribadong property ang magkusang mag-alis ng mga

Obstruction sa kalsada kung ipaki-usap nila? Ilang araw ang maaring ibigay sa kanila upang maialis nila ang mga obstruction na ito?

 

Maaring boluntaryong alisin ng pribadong mga indibidwal ang mga mga bahagi kanilang property sa halip na gobyerno ang magtibag nito . Sa bilang ng araw na palugit, nasa pag-uusap nap o ito ng pribadong tao at ng local na pamahalaan , subalit dapat isa-alang-alang na ang deadline na ibinigay  ng pamahalaan sa mga local na pamahalaan ay hanggang January 15, 2021 lamang. Maiging mag issue ng Notice ang barangay sa mga tungkol  sa pagtatanggal ng mga maapektuhang instraktura.

 

 

 

 

14.  Paano ang mga vendor  nan aka-pwesto sa sidewalk?

 

Paalisin sila sa sidewalk dahil itinuturung rin silang obstruction. Subalit hinihimok ng naturang Memorandum Circular  na magkaroon ng Displacement Plan ang mga local nna pamahalaan para sa mga ma-didisplace o maapektuhan ng road clearing operations. Maaring magtalaga ng mga lugar ang local na pamahalaan kung saan lamang pupwedeng magtinda ang mga street vendors sa pamamagitan ng isang ordinansa.

 

15.  Ang mga TODA na nakaparada sa gilid ng kalsada , kasali ba sila sa paaalisin sa road clearing?

 

Itinuturing  rin  na obstruction ang mga TODA na kaparada sa bahagi ng pampublikong kalsada , kung kaya’t kasama rin sila na kailangang paalisin subalit hinihimok ng naturang Memorandum  Circular na magkakaroon ng Displacement Plan  ang mga local na pamahalaan para sa mga ma-didisplace oi maapektuhan ng road clearing operations. Dagdag pa rito, ayon sa DILG MC 2020-027, pinahihintulutan ang  mga terminal gaya nito sa mga designated areas na itinalaga ng local na pamahalaan.

 

16.  Karamihan sa mga naninirahan sa barangay ay walang garahe ang sasakyan kaya sa gilid ng kalsada sila nag paparada. Aslisin ba ang mga sasakyan na ito?

 

Kailangan alisin ang mga sasakyan na ito, dahil ang kalsada ay daanan at hindi paradahan, at hindi kalianman maaring gamitin  para sa pansarili  o personal na kapakinabangan.

 

17.  Barangay din ang  magpapatanggal ng mga obstruction sa municipal, provincial and national road?

 

Barangay din ang magtatanggal ng mga obstruction sa municipal provincial and national road. Isinasaad sa DILG MC 2020-027, kailangan lamang  makipag ugnayan ng barangay sa ahensya ng gobyereno o pamahalaang local (bayan,lungsod, o probinsya) na nangangalaga at nag me-maintain sa nasabing  kalsada bago magsagawa ng road clearing operations.

 

18.  Kasama ba ang mga  punong-kahoy sa mga aalisin na obstruction, at paano ang pag proseso nito?

 

Kasama ang mga punong-kahoy sa road clearing kung ang mga ito ay sumasakop na sa bahagi ng mga pampubliokng kalsada , SUBSLIT kinakailangan muna ng masusing pakikipag-ugnayn sa DENR bago galawan ang mga punong-kahoy at siguraduhin na may kaukulang permit para sa pag tabas o pagputol ng mga ito .

 

19.  Kasama din bang tatanggalin o ipagbabawal ang tent sa mga burol na nakakasagabal sa kalsada?

 

Nakasaad sa DILG MC 2020-027 Part II b.4 na pinapayagan ang pansamantalang pagtatayo ng tent sa mga kalsada kung purpose nito ay para sa mga burol (funeral) o iba pang similar na sitwasyon.