44th NDPR Week
Bilang bahagi ng 44th National Disability
Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week, ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod
ng Cabanatuan, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth Vergara katuwang ang City
Social Welfare and Development Office ay nagsagawa ng awarding of wheelchairs
at crutches sa 8 Persons with Disability sa Lungsod. Ito ay ginanap noong
ika-18 ng Hulyo 2022 sa CSWDO Ground Floor, City Hall Compound, Cabanatuan
City.
Layunin ng programang ito na matulungan ang
mga may kapansanan para manumbalik ang kanilang normal na pagkilos o gawain sa
pamamagitan ng nasabing assistive devices.
Sa Hulyo 21 naman gaganapin ang PWD
Advocacy Forum sa MV Gallego Foundation Colleges Gymnasium, Zulueta, Cabanatuan
City.
Para sa iba pang detalye at concerns,
maaari magpadala ng mensahe sa cabanatuancswdo@yahoo.com o tumawag sa aming
hotline 0919-081-1345.
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|