DOLE TUPAD ORIENTATION
Sa pamamagitan ng Public Employment Service
Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD ORIENTATION ngayong
araw July 19, 2022, para sa pangatlong (3) batch na dinaluhan ng 193 na
benepisyaryo na mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan.
Ang nasabing programa ay naging posible sa
pagtutulungan nina Senator Francis "Kiko" Pangilinan, Congresswoman
Rosanna "Ria" Vergara, at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at
tanggapan ng Department of Labor and Employment. Dinaluhan din ito ni Sir Mikko
Vergara ang Secretary to the Mayor ng Lungsod at Dr Giovanni Garcia ng City
Health Office para sa mga benepisyaryong hindi pa nakakapagpa booster shot
laban sa COVID-19.
Sa programang ito, binibigyan ng emergency
employment sa loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan ng
pandemya at mga nawalan ng trabaho or hanap-buhay na may kaukulang sweldo na
P450 kada araw.
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|