Sa pangunguna ng mga kawani ng City
Disaster Risk Reduction and Management Office, City Business Licensing and
Promotion Office, City Health Office, City Information Office, Public
Employment Services Office, City Engineering Office, City Motorpool Office, at
Cabanatuan PNP, nagsagawa ng safety seal inspection sa iba't ibang establisyimento
sa Lungsod ng Cabanatuan nitong December 7, 2021. Ang Safety Seal Certification
ay ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod sa mga establisyimentong napatunayang
sumusunod sa minimum public health standards upang maiwasan ang pagkalat ng
COVID-19.