Home > News > CSWDO WAVE 8 RRP CCAM DRR PAYOUT

CSWDO WAVE 8 RRP CCAM DRR PAYOUT

July 06, 2022

TINGNAN:

CASH FOR WORK PAYOUT SA TATLONG (3) BARANGAY NG CABANATUAN CITY, ISINAGAWA

Ang DSWD Regional Office 3 katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at sa pamamagitan ng CSWDO ay nagsagawa ng Cash for Work payout para sa 247 benepisyaryo ng Cash for Work mula sa Barangay Sta. Arcadia, Magsaysay Norte at Ibabao-Bana sa Lungsod ng Cabanatuan.

Sumailalim sa sampung (10) araw na trabaho ang mga nabanggit na benepisyaryo na mula sa marginalized sectors. Sa ilalim ng 8th Wave Risk Resiliency Program under Climate Change Adaptation and Mitigation and Disaster Risk Reduction (RRP CCAM-DRR), isa sa kanilang mga ginawang serbisyo ang community backyard gardening.

Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng kabuuang halaga na Php 4,200.00 o Php 420.00 kada araw.

Isinagawa ang payout sa Temporary Market, Kapitan Pepe Cabanatuan City noong ika-28 ng Hunyo 2022.

Ginawaran din ng Sertipiko ng Pagkilala ang tatlong barangay para sa kanilang di matatawarang kontribusyon sa programa.

Layunin ng programang ito na hikayatin ang partisipasyon ng komunidad laban sa climate change, pagpreserba ng kalikasan, at magkaroon ng pagkukuhanan ng makakain sa panahon ng pandemya.

- Cabanatuan City Social Welfare and Development Office