Sa pamamagitan ng Public Employment Service
Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD ORIENTATION nitong
March 1, 2022 para sa Batch 9 ng taong 2021 na dinaluhan ng 108 na benepisyaryo
na mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Ang nasabing programa
ay naging posible sa pagtutulungan nina Congresswoman Rosanna "Ria"
Vergara, Senator Joel Villanueva, Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at tanggapan
ng Department of Labor and Employment. Sa programang ito, binibigyan ng
emergency employment sa loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan
ng pandemya at nawalan ng trabaho na may kaukulang sweldo na P420 kada araw.