Sa
pamamagitan ng programang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating
Disadvantaged/Displaced Workers, sinimulan noong December 11,2020 ang
pamamahagi ng cash assistance sa 333 displaced workers mula sa 20 na barangay.
Ito ay sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Cong. Ria Vergara ng 3rd District
of Nueva Ecija, Department of Labor and Employment at PESO-Cabanatuan City. Sa
programang TUPAD, ang mga beneficiaries na displaced workers ay binigyan ng
pagkakataon na kumita sa loob ng 10-30 araw. Sila ay nagsasagawa ng iba’t ibang
social, economic at agro-forestry community projects tulad ng paglilinis at
pagsasaayos ng kapaligiran at pagtatanim ng mga puno.