Home > Gallery > PHILHEALTH SESSION

PHILHEALTH SESSION

August 30, 2022

Ginanap ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pamamagitan ng City Health Office ang pagpupulong kasama si Philhealth Representative Ms. Rea Balanguit nitong August 17, 2022 sa Sangguniang Panlungsod Session Hall.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang Philhealth Konsulta Program at Philhealth Profiling bilang paghahanda sa gagawing pag-iikot ng mga kawani ng City Health Office sa bawat barangay sa lungsod na sisimulan sa August 22 hanggang September 1, 2022.

Dumalo rin dito sina Asst. City Administrator Mr. Norman M. Riño, City Health Officer Dr. Arminda A. Adecer, CDRRM Officer Mr. Eugenio V. Mintu, City Tourism Development and Promotion Officer Dr. Jean Yasmin D. Cruz, mga kawani mula sa Information Technology Division ng City Information Office at pati narin ang mga doctor at nurse supervisors mula sa siyam (9) na City Health Centers sa lungsod.