ASSISTANCE TO INDIVIDUALS IN CRISIS SITUATION (AICS) PAYOUT
Katuwang si Senator Imee Marcos at ang
Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office III, ang
Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan at ng City Social Welfare and Development
Office ay matagumpay na naipamahagi sa 766 benepisyaryo ng programang
Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang tulong pinansiyal para
sa kanilang medikal at pang araw-araw na pangangailangan.
Ang programa ay pinasinayaan nina Regional
Director Marites M. Maristela, CESO III; Assistant Regional Director for
Operations Venus F. Rebuldela; DSWD Provincial Extension-Nueva Ecija Head Ms.
Aurelia Senayo; katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Cabanatuan sa pangunguna ni
Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at CSWDO Helen S. Bagasao.
Ang nasabing aktibidad ay ginanap noong
ika-15 ng Hulyo 2022 sa Temporary Public Market, Kapitan Pepe Subdivision
Cabanatuan City.
Source: Cabanatuan City Social Welfare and
Development Office
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|