Opisyal na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod
ng Cabanatuan, sa pangununa ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang National
Women's Month Celebration na may temang "We Make Change Work for Women,
Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran". Ito ay idinaos sa flag raising
ceremony sa Cabanatuan City Hall noong March 7, 2022. Kasabay nito, nagkaroon
rin ng maikling programa ang CSWDO-Local Council of Women. Nagbigay ng
pambungad na mensahe si CSWDO Head Ms. Helen Bagasao at sinundan rin ng
inspirational messages mula kina Councilor Ruben Ilagan V at Mayor Myca
Vergara. Nagsuot rin sila ng kulay lila na damit bilang pagpapahiwatig ng
suporta sa women empowerment and gender equality.