Deed of Absolute Sale Pinirmahan na para sa Barangay Sangitan West handog ng LGU Cabanatuan
Ginanap noong Enero 22,
2021 ang contract signing ng Deed of Absolute Sale sa pagitan ng Pamahalaang
Lungsod ng Cabanatuan at sa pinagbilhan ng lupa.
Ang Sangguniang Barangay
ng Sangitan West sa pamumuno ni Kapitan Rodrigo Marin, ay humiling kay Mayor
Myca Elizabeth R. Vergara na sila ay mapagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng
loteng pagtatayuan ng barangay hall. Lumapit rin sila kay Congresswoman Ria Vergara
upang sila ay matulungan mula naman sa kanyang Congressional Fund.
Dinaluhan ni Mayor Myca
Elizabeth R. Vergara ang nasabing contract signing, kasama ang City Assessor’s
Officer, Engr. Heide Pangilinan, City Legal Officer, Atty. Cesar Villar at ang
mga Sangguniang Barangay ng Sangitan West.
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|