Bilang
pagsisimula ng ikalawang bugso ng national COVID-19 vaccination days,
pinangunahan nina Health Secretary Francisco Duque III, Vaccine Czar Carlito
Galvez at Presidential Adviser on COVID-19 Response Vince Dizon sa Lungsod ng
Cabanatuan ang pagbabakuna sa Vaccine Operations Center sa City Hall Gymnasium
noong December 15, 2021. Kasama naman sila Mayor Myca Elizabeth R. Vergara,
Presiding Officer Julius Cesar Vergara at mga kawani ng City Health Office,
binisita rin nila ang Cabanatuan City Temporary Treatment and Monitoring
Facility na matatagpuan sa Brgy. Kapitan Pepe.