Home > News > CSWDO DAY CARE

CSWDO DAY CARE

August 15, 2022

Kasabay ng padiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2022, na may temang "New Normal Na Nutrisyon, Sama-Samang Gawan Ng Solusyon," ang Cabanatuan City Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni Gng. Helen S. Bagasao ay nagsagawa ng Day Care Parents Zumba at Cooking Contest.

Layunin ng programang ito na magkaroon ng holistic development ang mga stakeholders ng Day Care Service at maihatid ang usapin ng tama at wastong nutrisyon para sa lahat ng pamilyang Cabanatueño.

Ang programa ay nilahukan ng mga Day Care Parents at Day Care Workers mula sa 89 Barangays ng Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay ginanap noong Hulyo 18-22, 2022 sa iba't ibang barangay ng Lungsod.

Ipinabot ng Punong Lungsod ng Cabanatuan Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang pasasalamat sa lahat ng mga kalahok na walang sawang tumulong at sumuporta sa lahat ng programang pangkalusugan at nutrisyon ng LGU.

Sama-sama nating patuloy na sugpuin ang bilang ng malnutrisyon sa ating pamayanan.

Source: Cabanatuan City Social Welfare and Development Office