DOLE-TUPAD Orientation
June 9, 2022- Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office
o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD ORIENTATION ngayong araw,
para sa unang batch na dinaluhan ng 96 na benepisyaryo na mula sa iba't-ibang
barangay sa Lungsod ng Cabanatuan.
Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan
nina Senator Loren Legarda, Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara, at
Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at tanggapan ng Department of Labor and
Employment.
Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa
loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at mga
nawalan ng trabaho or hanap-buhay na may kaukulang sweldo na P450 kada araw.
- Public Employment Service Office - Cabanatuan City
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|