Ang NEGO-KART (Negosyo sa Kariton) ay isang
programa ng Department of Labor and Employment na nauukol para sa mga
nagtitinda sa kalye. Sa proyektong ito, sila ay binibigyan ng pagkakataon na
magtinda at magkaroon ng kumikitang kabuhayan upang maitaas ang antas ng
kanilang pamumuhay. Nitong February 10, 2022, isinagawa ang pagpapamigay ng mga
NEGO-KART kasama ang Department of Labor and Employment, Provincial Director
Maylene L. Evangelista, Mayor Myca Elizabeth R Vergara, Assistant City
Administrator Mr Norman Riño at Supervising Labor and Employment Officer
Ronneil Sanopo at buong tanggapan ng Public Employment Service Office na siyang
nanguna sa pagagawad ng proyektong nabanggit. Ito ay mayroong 20 benepisyaryo
na nagmula sa iba't ibang barangay ng Cabanatuan.