Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng
Cabanatuan at sa pamamagitan ng Local Council of Women at City Social Welfare
and Development Office, ginawaran ng parangal ang labindalawang (12)
natatanging kababaihan mula sa iba't ibang larangan. Kaalinsabay ito sa
pagdiriwang ng National Women's Month na may temang "We Make Change Work
for Women: Agenda ng Kababaihan Tungo sa Kaunlaran." Ito ay ginanap noong
ika-23 ng Marso 2022 sa Sangguniang Panlungsod Session Hall, Cabanatuan City.
Kabilang sa mga pinarangalan sina: Ms. Rosalinda R. Asuncion - Barangay (Social
and Community Services) Ms. Luzviminda M. Sauco - Business Sector (Micro Entrepreneurship)
Ms. Maria Priscilla R. Salazar - Business Sector (Corporation) Ms. Melania T.
Magpale - People's Organization/Civil Society Organization Ms. Violeta M.
Fontanilla - Agriculture Ms. Mary Ann S. Veneracion - Arts Ms. Aurelia C.
Senayo - Government Sector (Government Services) Ms. Emily Lee L. Garcia -
Academe (Private) Dr. Priscilla D. Sanchez - Academe (Public) Dr. Arminda A.
Adecer - Medical Judge January Mari P. Garcia - Legal/Judicial Ms. Fortune
Diane A. Bernardo - Military (Protective and Security Services) Napili ang mga
nabanggit na Outstanding Women batay sa mga isinumiteng nominasyon sa lokal na
pamahalaan at nagkaroon ng deliberasyon ang mga bumubuo ng screening committee.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkilala ang mga natatanging
kababaihan na nagbigay ng kanilang serbisyo at kontribusyon sa komunidad;
kahusayan sa kanilang piniling larangan; kakayahan sa pamumuno; at kagandahang
loob para sa ating lungsod. Ang programa ay dinaluhan ng mga natatanging
kababaihan at kanilang mga kapamilya, bumubuo ng Local Council of Women, at mga
kawani ng Lungsod ng Cabanatuan.