SOCIAL PENSION PAYOUT
Ang Lokal na Pamahalaan ng Cabanatuan City
sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at sa pamamagitan ng City
Social Welfare and Development Office ay nagsagawa ng Local Social Pension Payout
para sa mga indigent senior citizens noong Agosto 19, 2022 sa Barangay Aduas
Norte at Brgy. Caridad Covered Court, Cabanatuan City.
Ang programa ay nakapagtala ng 700 indigent
senior citizens na nakatatanggap ng pinansyal na tulong mula sa Lokal na Pamahalaan
na may kabuuang halaga na Php 3,000 para sa ikalawang semestre (July-December
2022).
Layunin ng programang ito na maibsan ang
hirap ng mga kwalipikadong senior citizens at makatulong sa kanilang
pangangailangang medikal.
Source: Cabanatuan City Social Welfare and
Development Office
EVENTS |
---|
FOLLOW US |
---|
INTER AGENCY LINKS |
---|