Bahagi ng programa ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang
mabigyan ng school supplies ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Senior
High School na opisyal na naka-enroll sa mga pampublikong paaralan dito sa
lungsod. Nang nagsimula ang academic year, napagkalooban na ng school supply
sets ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6 na nasa ilalim ng
sampung distrito ng DepEd Cabanatuan. Ngayong linggo naman ay nakatanggap narin
ang mga magaaral mula Grade 7 hanggang Senior High School. Ang isang set ng
school supplies ay naglalaman ng notebooks, crayons, glue, sharpener, eraser,
ballpen, pencil, writing pads, at plastic envelope. Ito ay naging posible sa
pakikipagtulungan sa Department of Education Cabanatuan City sa pamumuno ni
Schools Division Superintendent, Teresa D. Mababa. Alay sa taga cabanatuan,
mula sa buwis ng mamamayan.