Patuloy ang pagbibigay ng COVID-19
Vaccine sa mga mamamayan ng iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan
nitong November 2-5, 2021. Ito ay sa pamamagitan ng Cabanatuan City COVID-19
Mobile Vaccination Program. Layunin ng programang ito na mailapit sa mga
mamamayan, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna
laban sa COVID-19. Pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang
pagbisita sa mga barangay kung saan nagsasagawa ng pagbabakuna, kasama ang mga
konsehal ng Lungsod ng Cabanatuan.