Home > News > Libreng Anti-gen testing para sa mga barangay workers at mga tanod

Libreng Anti-gen testing para sa mga barangay workers at mga tanod

May 14, 2021

Sinimulan nitong 2021 ng Pamahalaang Lungsod ang pagbibigay ng LIBRENG ANTIGEN TESTING para sa mga taga-Cabanatuan, lalo na sa mga mayroong sintomas ng COVID-19. Nagpupunta sa iba't ibang barangay ang mga kawani ng City Health Office at City Disaster Risk Reduction and Management Office, sa pakikipagtulungan sa mga City Health Centers sa Lungsod, para sa pagsasagawa ng antigen testing. Kaugnay nito, sumailalim sa libreng rapid antigen testing ang mga barangay workers at barangay tanod ng iba't ibang barangay simula noong April 20, 2021. Ito ay upang masigurado ang kanilang kalusugan habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mga lingkod-bayan. Nagsagawa rin ng Antigen Testing ang CDRRMO sa mga empleyado ng Regional Trial Court sa Cabanatuan City Hall of Justice nitong April 19, 2021. Humiling ang Regional Trial Court kay Mayor Myca Elizabeth R. Vergara na maipa-antigen test ang kanilang mga kawani dahil sa ilang empleyado nito na nagpositibo sa COVID-19. Sumailalim din sa Antigen testing ang mga kawani ng PNP Cabanatuan upang masigurado na sila ay nananatiling ligtas at malusog para patuloy na makapagpatupad ng mga alituntunin ng lungsod para sa mga mamamayan ng Cabanatuan.