Home > News > Anti-Rabies Vaccination Muling Ipinagpatuloy ng City Veterinary Office

Anti-Rabies Vaccination Muling Ipinagpatuloy ng City Veterinary Office

July 25, 2021

Sa pagpapatuloy ng programa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, nagsagawa ng libreng Anti-Rabies Vaccination ang mga kawani ng City Veterinary Office sa Brgy. Macatbong nitong July 6, 2021. Mahalaga na magkaroon ng Anti-Rabies Vaccine ang ating mga alagang hayop. Ang Rabies ay isang viral infection at animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal.