Home > News > SOCIAL PENSION PAYOUT

SOCIAL PENSION PAYOUT

August 31, 2022

Ang Lokal na Pamahalaan ng Cabanatuan City sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office ay nagsagawa ng Local Social Pension Payout para sa mga indigent senior citizens noong Agosto 19, 2022 sa Barangay Aduas Norte at Brgy. Caridad Covered Court, Cabanatuan City.

Ang programa ay nakapagtala ng 700 indigent senior citizens na nakatatanggap ng pinansyal na tulong mula sa Lokal na Pamahalaan na may kabuuang halaga na Php 3,000 para sa ikalawang semestre (July-December 2022).

Layunin ng programang ito na maibsan ang hirap ng mga kwalipikadong senior citizens at makatulong sa kanilang pangangailangang medikal.

Source: Cabanatuan City Social Welfare and Development Office