NEGO-KART Inilunsad ng PESO Cabanatuan at DOLE Province.
February 16, 2022

Ang NEGO-KART (Negosyo sa Kariton) ay isang programa ng Department of Labor and Employment na nauukol para sa mga nagtitinda sa kalye. Sa proyektong ito, sila ay binibigyan ng pagkakataon na magtinda at magkaroon ng kumikitang kabuhayan upang maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay. Nitong February 10, 2022, isinagawa ang pagpapamigay ng mga NEGO-KART kasama ang Department of Labor and Employment, Provincial Director Maylene L. Evangelista, Mayor Myca Elizabeth R Vergara, Assistant City Administrator Mr Norman Riño at Supervising Labor and Employment Officer Ronneil Sanopo at buong tanggapan ng Public Employment Service Office na siyang nanguna sa pagagawad ng proyektong nabanggit. Ito ay mayroong 20 benepisyaryo na nagmula sa iba't ibang barangay ng Cabanatuan.  Read More



City Agriculture Office Nagbigay Tulong sa Magsasaka para Mabahagian ng Rice Competitive Enhancement Fund - Rice Farmer Financial Assistance Program ng Department of Agriculture.
February 16, 2022

Ilang magsasaka mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan ang makakatanggap ng financial assistance mula sa Rice Competitive Enhancement Fund - Rice Farmer Financial Assistance Program ng Department of Agriculture. Patuloy ang pagtulong ng mga kawani ng City Agriculture Office sa mga magsasaka upang sila ay mabigyan ng Interventions Monitoring Card (IMC) na magsisilbing identification (ID) at cash card kung saan matatanggap ng eligible beneficiaries ang cash assistance. Ang mga magsasaka na nagsasaka ng dalawang (2) ektarya pababa at rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang mga benepisyaryo ng programang ito. Para sa iba pang mga katanungan ukol sa programang ito, maaaring makipagugnayan sa tanggapan ng City Agriculture Office 0919 089 9925.  Read More



City Livelihood and Cooperatives Development Office, Nagsagawa ng Seminar para sa Pagbuo ng Kooperatiba.
February 16, 2022

Sa pangunguna ng City Livelihood and Cooperatives Development Office, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsagawa ng Pre-Registration Seminar sa Lucky Farmers Association ng Barangay Calawagan sa pakikiisa sa Cooperative Development Authority-PO at Department of Agrarian Reform-Provincial Office. Layunin ng seminar na ito na mailahad ang mga panuntunan para sa pagbuo ng Kooperatiba. Ito ay ginanap noong February 9, 2022.  Read More



City Veterinary Office Nagsagawa ng Libreng Anti-Rabies Vaccination!
February 16, 2022

Nitong linggong ito, nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang City Veterinary Office sa barangay ng Kalikid Sur. Mahalaga na magkaroon ng anti-rabies vaccine ang ating mga alagang hayop dahil ang rabies ay isang viral infection at animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal. Samantala, nagsagawa rin sila ng continuous deworming at vitamin administration para sa mga alagang kalabaw at kambing sa Brgy Pangatian at Kalikid Norte. Read More



Mobile Vaccination sa mga iba’t ibang Vaccination Sites at mga Establishments, Isinagawa!
February 16, 2022


Patuloy na disinfection ang isinasagawa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)
February 16, 2022

Upang masigurado ang kaligtasan ng komunidad, pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang pagsasagawa ng disinfection sa iba't ibang lugar na mayroong nagpositibo sa COVID-19 nitong January 31 hanggang February, 4, 2022. Read More



Food Assistance para sa mga Pasyenteng Nagpositibo sa COVID-19, Isinagawa.
February 16, 2022

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay patuloy sa pamamahagi ng food assistance para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19. Katuwang muli rito ay ang City Social Welfare and Development Office. Ito ay ginanap noong January 31-February 4, 2022. Maaaring makipag-ugnayan sa CSWDO sa numerong 0919-081-2789 para sa iba pang detalye.  Read More



Newborn Packages para sa mga Taga-Cabanatuan na nagparehistro ng kanilang mga anak.
February 16, 2022


Free Antigen Test para sa mga Mamayan ng Cabanatuan na may sintomas!
February 16, 2022

Bilang tugon sa dumaraming kaso ng COVID-19, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsasagawa ng libreng antigen test sa mga taga-Cabanatuan na mayroong sintomas ng COVID-19. Ang antigen testing ay isinasagawa ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na mayroong antigen area o booth sa CDRRMO Bldg., City Hall Compound. Samantala, sa pamamagitan naman City Health Office ay pinupuntahan sa kani-kanilang tahanan ang mga pasyenteng may sintomas. Narito po ang mga contact numbers ng City Health Centers na maaaring tawagan o itext kung ikaw ay mayroong sintomas ng COVID-19: City Health Center 1 (Mayapyap Sur) 0919-081-3119, City Health Center 2 (San Josef Norte) 0999-222-6034, City Health Center 3 (Bangad) 0919-081-2883, City Health Center 4 (Mabini Homesite) 0919-081-1344, City Health Center 5 (Quezon District) 0919-081-1535, City Health Center 6 (Caalibangbangan) 0919-081-1485, City Health Center 7 (H. Concepcion) 0919-081-2983, City Health Center 8 (Camp Tinio) 0919-081-2895, Narito naman po ang mga contact number ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (antigen queries): 0999-229-3454  Read More



Lungsod ng Cabanatuan, Nagbigay ng Tulong Pinansiyal sa mga Biktima ng Bagyong Odette!
February 16, 2022


1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27  28  29  30  31  32  33  34  35  36  37  38