Home > News > LGU Cabanatuan City Flag Raising Ceremony January 25, 2021

LGU Cabanatuan City Flag Raising Ceremony January 25, 2021

January 25, 2021

Noong Lunes, Enero 25, 2021, pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang Flag Raising ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan.

 

Paalala nya sa humigit kumulang dalawanlibong empleyado ng City Hall na laging maging ehemplo sa pag-sunod sa minimum public health standards. Ayon sa kanya, kung ang mga empleyado ng City Hall ay sumusunod rito, susunod rin ang kanilang mga pamilya.

 

Nagpapasalamat rin si Mayor Myca sa pagdalo ng mga City Councilors. Aniya, “Gusto ko ring magpasalamat, nandito yung mga konsehal natin. Sinasabi ko 'to palagi.. yung mga konsehal natin, lahat ng nangyayari sa Cabanatuan, nangyayari yun dahil sa tulong nila, and I appreciate that very much.”