Home > News > Vaccination Center ng LGU Cabanatuan, inihahanda na.

Vaccination Center ng LGU Cabanatuan, inihahanda na.

March 10, 2021

Ang main site ng Vaccination Center na inihahanda ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, ay matatagpuan sa tapat ng City Hall Compound. Habang hinihintay na matapos itong gawin, kasalukuyan nang iginagayak ang satellite vaccination center sa loob ng CRDDMO Covered Court sa loob ng City Hall Compound, kung saan isasagawa ang simulation vaccination. Maliban sa COVID-19 vaccine, maaari ring isagawa sa mga nasabing vaccination sites ang mga proyekto ng DOH na pagbabakuna sa iba pang sakit tulad ng polio, tigdas at iba pa.