Home > News > Mayor Myca Vergara naki-isa sa signature campaign ng Relief International

Mayor Myca Vergara naki-isa sa signature campaign ng Relief International

February 15, 2021

Naki-isa naman si Mayor Myca Elizabeth R. Vergara sa signature campaign na pinangunahan ng Relief International bilang pagsuporta sa Measles-Rubella / Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity 2021 sa kabuuan ng buwan ng Pebrero. Samantala, opisyal nang napirmahan ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at Relief International para makatanggap ng insentibo ang Community Volunteer Health Workers sa kanilang partisipasyon sa pagbabakuna kontra polio at tigdas sa mga bata sa Lungsod ng Cabanatuan.